Wednesday, December 17, 2008

Victoria's Secret

Sabi nila ano man daw ang iyong makikita sa paligid saan mang bayan o lugar ay sumasalamin sa estado ng economiya at kabuhayan ng mga naninirahan dito. Honestly, when you say Africa the very first thing crosses my mind is “Tarzan” ni Johnnywise Muller eto kasi ang paboritong palabas ng tatay ko nung kami’y mga bata pa liban sa “Combat” na pinagbibidahan naman ni Vic Morrow. Sa tutuo lng wala nman sa hinagap ko na makarating dito sa napakalayo, napaka alinsangan and ofcourse ang walang kupas na traffic na kahit si Bayani Fernando masisiraan ng ulo kung pano aayusin. Narito ako ngayon sa bayan o isla ng Victoria sa Nigeria parteng west ng Africa. Kamusta naman jan madalas tanong ng mga kaibigan, dating ka trabaho, kapitbahay, ka chat, at mga kumpare ko. Well, like a true pinoy isa lang ang madalas nating banggitin pag tayo ay kinakamusta “ayos naman” o dili kaya’y “ok naman” forget about the traffic etc. basta ok kami hehehe.

Going back, bago pa lng nman ako dito kaya I can instantly say that I am in no position to comment anything about this place much more to its inhabitants isa pa I don’t give a shit kasi nagpunta nman ako dito dahil kailangan ng pamilya ko in preparation for my kids’ college education and ofcourse ang pangarap kong bagong 1.3 Toyota Vios. Anyways, isa lang ang masasabi ko… hayup ang mga modelo ng mga oto dito kaya kahit saksakan at bugbugan ng traffic nag eenjoy ako manuod ng ibat-ibang klaseng sasakyan na sa magazine ko lamang nakikita. At habang nanunuod ako ng mga yan di ko din maiwasan mapansin ang dami ng bangkong nakakalat animoy mga kabute sa gubat oo mga bangko nakikinita ko na nga kung pano maglaway ang mga hayup na holdaper satin sa dami ng pwede nilang pasyalan dito hehehe. Pero sa palagay ko di rin sila makakalayo dahil sa traffic. Its funny but true, I remember when I was still a budding entrep madalas ako sa divisoria at dun sankatutak din ang bangko na pinamumugaran ng mga tsekwa at kung di ka marunong mag mandarin o pukenish ay malabo ka makatawad kahit wala kang kasalanan. Pero alam nyo bang andun din ang karamihan ng kadatungan? So I think it safe for me to say that andito rin ang mga kadatungan sa VI teka parang ate vi ah. Nakilala ko din pala dito sa VI ang magiting na si Edward na syang nagbibigay sakin ng mga tips sa ibat-ibang bagay sa lugar, pagkain, pasyalan, trabahong hanap buhay at higit sa lahat sa larangan ng pag-ibig…sa kapwa wika nga nya, black is beautiful I’d say its sweet. Meron kasi syang kakaibang lasa kungbaga sa painting titigan mo maigi at namnamin para malasap ang kagandahan nito. May pagka misteryoso kung pag iisipan mo maingay pero tahimik, mainit pero may panahong napakalamig, pero isa lng ang masasabi ko, this is the place where I’ve seen the sweetest and prettiest smile after all Nigerians “really are the happiest people on earth” and that’s the biggest secret.

No comments:

Post a Comment