SEPTEMBER, O GLORIOUS SEPTEMBER!
Eto po ang buwan na simula ng countdown to Christmas Season, ang ‘ber’ months. Mixed emotions, kasi nga, inaasam na ang pag-uwi at makapiling ang ating mga mahal sa buhay na alam naman natin na sila ang dahilan kung bakit tayo nagtitiis na malayo sa kanilang piling. Sa ISANG BUWAN na bakasyon na bigay sa atin ng ating mga employers, LABING-ISANG BUWAN naman ang inilalagi at ipinagtatrabaho natin dito.
Ganuon pa man, tayo ay nagdiriwang pa rin kasama ang kapwa Pilipino at kasalamuha pa rin ang ibang mga mamamayan ng mundo. Meron tayong pagdiriwang ng mga kaarawan, kapistahan ng mga kapatid nating Muslim, pamamaalam sa ating kaibigan at spiritual leader na si Msgr. Renzo, at iba pa.
Sa kasamaang-palad, eto rin ang buwan na ang Pilipinas ay inabot ng mala-delubyong pag-ulan. Hindi natin kayang labanan ang ngitngit ng panahon. Tanging panalangin, ibayong pananalig at pagbabalik-loob sa Panginoon ang ating sandata upang ang ating mga mahal sa buhay at ang bansang Pilipinas ay maligtas at makaahon sa mga ganitong pangyayari. (In times of adversity, in fact, all times: BE SMART - ASK FOR GOD'S WISDOM.)
PART ONE
The Philippine embassy hosted this send-off party for Msgr. Renzo.