Napakarami na ng kwentong dugo ng pinoy san ka man mapadpad sa ano mang dako ng daigdig may makikita kang Pinoy na taas nuong pinaglalaban at iwinawagayway ang bandila ng Pilipinas.
Sa tatag nating mga Pinoy kaya natin makipag sabayan sa kung ano mang hamon ng buhay sa trabaho man o sa pamilya kung tutuusin nga kaya nating gawin ano mang nais natin. At dahil na din siguro sa katangian nating ito nagagawa nating maging successful sa bawat gawain. Unahin natin ang kasipagan, ano mang uri ng hanapbuhay sa labas man o sa loob ng bansa marami ang Pinoy na likas na masisipag. Ang ninuno natin ay nagsilbi sa mga dayuhan at nagpamalas ng angking kasipagan naisip ko tuloy si tatay napakasipag na tao pag putok pa lang ni haring araw makikita mo na itong nagbubungkal ng lupa at matyagang inaayos ang vegetable garden sa kabilang bakanteng lote, di ka manilniwala na dati itong basurahan ng lahat ng kapitbahay marumi at umaalinagsaw ang mga nabubulok na kung anik-anik. Walang araw na hindi nya ito pinagkaka abalahan katulong din dito ako sa pagkalaykay at pagdidilig nman ang sa aking mga utol hanggang magising na lamang kami isang araw na binabakuran na ito ng isa pang matiyaga, matiyagang naghintay maayos ang paligid …wais ano, isa rin itong katangian ng Pinoy at sadya ata marami nyan satin palagay ko nga nung nagsabog ng kagulangan ang langit, di lang bilao dala ng pinoy kundi palanggana. Sorry na lang kami dahil wala nun ang tatay ko kung meron man hindi ito sapat. Dito sa abroad madaming ding wais pero wala ng wawais pa sa pinoy “parent” ang isang pang pasosyal na tawag dun. Palakaibigan, wala na siguro pang tatalo sa Pinoy sa pagiging friendly minsan nga sumusobra na pero isang bagay ito na nakakagaanan ng mga banyaga sa atin we always sport that ready smile wherever we go. Nariyan din ang mga kaibigan nating Pinoy na di ka iiwanan sa hirap man lalo na sa ginhawa. Nakakalungkot lamang isipin na minsan meron ding mga pinoy na may pagka maangas ibig sabihin mayabang lalo na kung sila ay medyo nakaka angat sa kapwa infairness baka may ipagyayabang naman o dili kaya’y sadyang namana ito sa ninunong kastila sabi nga parang langaw na tumuntong sa kalabaw at naging mas mataas pa sa kalabaw pero hindi rin ito nangangahulugang mayorya sa atin ay ganito mas lamang pa din ang mahusay makisama o makitungo sa kapwa na hindi nag aantay ng kapalit o ano mang pakinabang sa loob man o sa labas ng bansa. Sabi nga “an ounce of loyalty is worth a pound of cleverness”. Isang katangian na talaga namang hahangaan mo sa Pinoy eh bakit kamo? Palagay nyo ba tatagal ang mga pulitiko sa pwesto sa Pinas kung di dahil sa kaliwat-kanan nitong alalay na handang mag alay ng buhay sa kanila maprotektahan lamang ang kanilang mga amo. In times of uncertainty it’s the Pinoy whom you can only trust and you can “bechamygoliwow” walang lalabas na sikreto. Well, depending on the circumstances, but basically we are trustworthy people secrets are kept safe and confidentiality is a sacred issue including secret affairs. Talk about secret affairs, we have to admit it’s our adventuristic nature that we sometimes fall into our own trap. Referring to our being hopeless romanticism egoistic-machismo inclination, that we somehow tend to play with it and oftentimes get what we wished for. Nasabi ko lang kasi nakakapanghinayang din mapunta sa wala ang mga pagsisikap because we sort of became out of focus from our mission which is to provide for our own families and not the other families, but that’s another quality that requires full understanding and I’m not really in the position to comment, secret nga eh!.
Tayo din ay matulungin, yan ang tinatawag na spirit of “bayanihan” which as far as I can remember being thought to us during primary school. Naalala ko nga ang poster ng isang bahay na buhat-buhat ng mga kapwa natin para ilipat sa ibang lugar o dili kaya’y sama-samang nag kukumpuni nito. Ang tagpong yan ay na naka diplay sa aming room nuong elementarya na madalang ko na ding makita sa tunay na buhay dahil na din siguro na mahirap ng buhatin ang sementong bahay. Tulad ng pagiging magalang likas na tayo ay gumagamit ng “po at opo” sa sino mang kausap nating nakatatanda sa atin at hindi tayo pinahihintulutang samabat sa usapang matatanda.
Sa paglipas ng panahon at pag dating ng modernong teknolohiya unti-unti na din itong naiisang tabi sayang nga lamang at ako’y personal na pabor na manatili ito pero dahil sa idol ko ang ating national hero na si “Dr. Jose Rizal” na nag sulong at nagsabing ang kabataan ang pag-asa ng bayan, naisip ko ding hayaan na lang nating sagot-sagutin tayo ng ating mga anak. Ironically, iba na din kasi ang panahon ngayon, hindi natin maitatanggi na sila nga ang pag asa subalit kung hindi natin maituturo ang pagkakaiba ng tama at
Mabuhay ang manggawang Pilipino sa ano mang panig ng Mundo!