Breaking News: For the first time since winning a seat in the House of Representatives, former President Gloria Macapagal-Arroyo agreed to be interviewed.
She requested though that the exclusive interview be conducted in the vernacular in celebration of the Philippine National Language Month. Here's the rare, 45-minute conversation in full.
The Professional Heckler (TPH): Kumusta na po kayo ma'am?
Gloria Macapagal-Arroyo (GMA): Heto, napagod sa kakatakbo. Bigla ba naman akong sabihan na may privilege speech pala si Walden Bello, natural, kinailangan kong lumabas ng session hall. Eh nakita kong papalapit na siya sa podium, ayon kumaripas ako nang takbo. Maliliit pa naman ang aking mga hakbang kaya hiningal talaga ako!
TPH: Mabuti naman at 'di kayo hinarang ng mga guwardiya..
GMA: Naku, imposible 'yan! Si Mikey ang naka-duty nang lumayas ako sa Batasan.
TPH: Saan po kayo nagpunta?
GMA: Katulad nga ng nasulat mo sa iyong previous blog post, I tried to leave for Hong Kong. Eh cancelled pala ang mga flights ng PAL kaya umuwi na lang ako sa Lubao.
TPH: Last week po ay nilagdaan na ni Pangulong Noynoy Aquino ang Executive Order No. 1 creating the Truth Commission. Ano po ang masasabi n'yo?
GMA: My two spokespersons, Senator Miriam Defensor-Santiago and Congressman Edcel Lagman have repeatedly raised the issue of the EO's constitutionality. Naniniwala ako sa kanila. It's unconstitutional.
TPH: Ano naman pong masasabi n'yo sa Communications Group ng ating Pangulo. Inaakusahan po sila ng bias at pagli-leak ng advance info sa isang network.
GMA: Hay naku! Ayaw ko nang makialam sa isyu ng leak na 'yan. May sarili akong leak na pinu-problema. In fact, after ng interview na 'to, I'll have my biennial mammogram.
TPH: Kumusta na po si Attorney Mike Arroyo?
GMA: Okay naman. Nakakapag-golf na ulit. Naghihintay lang kami ng advice ng kanyang doktor for his next check up in Hong Kong.
TPH: Kailan po 'yon?
GMA: Depende. Depende sa schedule ng susunod na privilege speech ng aking mga kritiko.
TPH: Kung maibabalik po ang year 2004, tatawagan n'yo pa rin ba si Comelec Commissioner Virgilio Garcillano?
GMA: Sino 'yon? May sinabi ba akong si Garcillano ang tinawagan ko? Remember: when I made that "I'm sorry speech," never kong pinangalanan ang Comelec official na kinausap ko. Tawagin n'yo na akong corrupt, balasubas, magnanakaw, sinungaling, pandak, at kung anu-ano pang panlilibak… pero never akong nanlaglag ng ibang tao. In short, walang basehan ang iyong tanong. Let's move on.
TPH: Kung bibigyan kayo ng pagkakataong maging pangulo ulit, tatanggapin n'yo ba?
GMA: Kung ang komposisyon ng Kongreso ay gaya pa rin ng mga nagdaang mga taon, why not? I feel safe and secure with those guys around me.
TPH: Madam Congresswoman, do you pray?
GMA: Before? Yeah.
TPH: Right now?
GMA: Lalo na!
TPH: Sabi po nila, tumakbo lang kayong kongresista dahil ayaw n'yong makasuhan…
GMA: Hindi totoo 'yan! Tumakbo ako sa Kongreso dahil 'di na ko puwedeng tumakbo sa pagka-pangulo.
TPH: Can you imagine yourself in jail?
GMA: Can you imagine this interview cut short?
TPH: Oh, I'm sorry for that question. Let's just talk about the current administration. Sa tingin n'yo ba masyadong nagiging mapaghiganti ang gobyernong Aquino sa inyo?
GMA: Two words: Truth Commission. I need not elaborate.
TPH: May over-importation daw po ng NFA rice…
GMA: Hindi rin totoo 'yan! Maraming naiiwan sa imbakan dahil hindi binibili ng mga tao ang NFA rice. It's their fault! Gusto nila, high quality! Masyado silang choosy!
TPH: Malaki daw po ang sweldo ng mga taga-MWSS…
GMA: Ah hindi totoo 'yan. Sa katunayan, kung iche-check n'yo ang perks ng mga executives ng ibang GOCCs at GFIs, malalaki rin 'yon! Hindi lang MWSS. Mali ang report!
TPH: How do you find palace spokesman Edwin Lacierda? Ano pong masasabi n'yo sa kanya?
GMA: I admire the guy. Sa siyam na taon ko sa palasyo, once lang ako nag-sorry sa inyo. Si Lacierda, nakakadalawa na, kakasimula pa lang sa trabaho.
TPH: How about the issue between the Noybi supporters and the NoyMar camp? Sa palagay n'yo ba makakaapekto ito sa pamamalakad ni Pangulong Aquino sa gobyerno?
GMA: I really don't know. Wala naman akong vice president noon kaya 'di ako maka-relate.
TPH: Nag-uusap pa ba kayo ni Chief Justice Renato Corona?
GMA: Hindi na. Busy lagi ang phone eh. The last time I tried calling him, ang sabi, "Sorry, the number you dialed is having dinner with Peping Cojuangco. Please try your call later."
TPH: Kumusta na po si Gibó?
GMA: Si Gibó? Hahaha. Namimiss ko ang batang 'yan. One of the most brilliant minds in my Cabinet. Sayang. Naputol ang aming komunikasyon nang lumabas ang Villaroyo black propaganda noong kampanya. Nagtampo yata sa 'kin. But yesterday, I heard nag-a-apply siyang piloto sa PAL. If you're reading this, Sulong Gibó!
TPH: Once and for all, linawin po natin: sino po ang sinuportahan n'yo noong nakaraang eleksyon? Si Gibó o si Villar?
GMA: Si Vetellano Acosta! Kaya 'wag na kayong magtaka kung bakit marami siyang botong nakuha.
TPH: Madam Congresswoman, until now, curious pa rin po ang publiko. Ano raw po ba ang pinag-usapan n'yo ni President Aquino during that 10-minute limousine ride from Malacañang to Quirino Grandstand last June 30?
GMA: Wala. Kasi, bawat traffic light na madaanan namin, inoorasan niya ang pagpapalit ng kulay. 'Tapos, tanong siya nang tanong kung sino si Ped Xing. Tawa naman ako nang tawa. So 'yon, 'di namin namalayan, Luneta na pala.
TPH: Dumako na po tayo sa tinatawag nating Rapid Round. Dapat po mabilis lang ang inyong sagot. Bawal magpaliwanag. Okay?
GMA: Nakaka-nerbyosh ka naman! Sige nga.
TPH: Ma'am, lights on or lights off?
GMA: Lights off! Mahal kasi ang kuryente ng Meralco.
TPH: Artistic or Athletic?
GMA: Siyempre, golfer si Mike. Athletic!
TPH: Beauty or Brains?
GMA: I wouldn't have lasted nine years in office kung wala akong utak. Beauty na lang.
TPH: Love or Money?
GMA: After nine years in office?!? Marami na 'kong money! I'll choose love siguro. Wait, pwedeng both?
TPH: This time naman, magmi-mention po ako ng names ng mga kilalang tao. Let me know kung ano ang unang pumapasok sa isip n'yo kapag nababanggit ang kanilang mga pangalan. Let's start with… Joseph Estrada?
GMA: Hmm, whiskey.
TPH: Ombudsman Merceditas Gutierrez?
GMA: Merciful!
TPH: The Firm?
GMA: Powerful!
TPH: Hyatt 10?
GMA: Welcome back! Hahaha!
TPH: Garcillano?
GMA: Pass!
TPH: Noynoy Aquino?
GMA: Good luck!
TPH: Jojo Binay?
GMA: Lucky.
TPH: Mike Arroyo?
GMA: Plenty! Hahahaha! I'm jussssht kidding! Puwede bang off the record na 'yon?
TPH: Ricky Carandang?
GMA: Cessh Drilon. Akala mo, 'di ako updated huh. Hi Cessh!
TPH: Secretary Abad?
GMA: Sino sa kanila? Madami eh.
TPH: Conrado De Quiros?
GMA: Pass!
TPH: Ellen Tordesillas?
GMA: Lalo na 'yan! Pass!
TPH: Kris Aquino?
GMA: Ay, totoo ba 'yun? Sila na raw ni Junjun?
TPH: Jocjoc Bolante?
GMA: Rotarian.
TPH: Bayani Fernando?
GMA: Pedestrian.
TPH: Jamby Madrigal?
GMA: Vagitarian.
TPH: Korina Sanchez?
GMA: May katarayan!
TPH: Vicky Toh?
GMA: Huh?! Good Lord!
TPH: Lilia Pineda?
GMA: Jueteng lord!
TPH: Talaga po!?
GMA: Ay, ano ba 'yung nasabi ko? Off the record ulit, please?
TPH: And finally, Gloria Macapagal-Arroyo?
GMA: Huh? Bakit naman ako nasama?
TPH: Request po ng readers ng blog ko.
GMA: Bakit? May readers ka ba?
TPH: Naman! I'm sure, binabasa kayo ngayon ng mga anchors at reporters ng ABS-CBN, ANC, dzMM, GMA 7 (not sure, pero sana!), GMANews.TV, TV5, dzRJ, dzME, dwRX, ABS-CBNNews.Com, Inquirer.Net, at maging ng reporters at columnists ng Philippine Daily Inquirer, Philippine Star, Manila Bulletin, Manila Standard Today, Manila Times, BusinessWorld, Malaya, Newsbreak, mga thinking bloggers, at ng libu-libong kababayan natin here and around the world.
GMA: Yabang! Bakit? Ito bang interview na 'to mababasa ng favorite singer kong si Ricky Martin o ng favorite comedian kong si Ricky Gervais?
TPH: Hindi ko lang po sure pero sigurado akong mababasa po ito ni Ricky Carandang, si Secretary Ricky Carandang.
GMA: O shige na nga. Ano nga ulit ang tanong?
TPH: Babaguhin ko na lang po ang tanong para espesyal: Sakaling pumanaw si Gloria Macapagal-Arroyo, ano po ang mababasa namin sa kanyang epitaph?
GMA: Ang morbid naman! Pero dahil sport ako at dahil exclusive ang interview na ito, pagbibigyan kita. Medyo mahaba ang isusulat ko sa aking epitaph. Ito 'yon: HERE LIES…
TPH: Thank you Madam President!
GMA: Teka, hindi pa ako tapos!
TPH: Okay na po 'yun! Understood na! Ano na lang po ang inyong message sa ating mga kababayan…
GMA: Sure ka puwede na ang gano'ng epitaph?
TPH: Sure na! Final answer! Message n'yo na lang po sa taumbayan…
GMA: Okay. Mga kababayan, kasaysayan na lamang po ang huhusga sa akin. Ginawa ko pong lahat ang aking makakaya bilang Pangulo ng ating bansa. Wala akong inisip kundi ang kapakanan ng maliliit na Pilipino. Sa pagtupad ko sa aking tungkulin bilang kinatawan ng lalawigan ng Pampanga, umaasa ako at mananalangin na harinawa'y umunlad hindi lamang ang aking mga nasasakupan kundi bawat isa sa inyo na nagpupursige sa buhay. Sa huli, iniiwan ko ang sa tuwina'y paalala noon ng aking ama: "Do what ish right; do what ish besht, and God will take care of the resht."
THP: Thank you so much Madam Congresswoman. It's both an honor and a pleasure to talk to you.
GMA: Thank you too, Professional Heckler. Ikaw pala 'yon. Hayup ka! Jussht kidding. Oops, bago ko malimutan, please add me on Facebook. Just type: Facebook.Com slash ImpunityistheBestPolicy, and then click "Like" at automatic friends na tayo. Thank you.
End of Exclusive Interview
Monday, August 2, 2010
Batasang Pambansa Parking Lot
[Note: Parang awa n'yo na, kung ire-repost n'yo ito sa ibang sites o ifo-forward through email, ilagay n'yo naman ang source. Masaya na ako sa gano'n kahit walang kita. At sa mga mag-iiwan ng comment, positibo man o hindi... maraming salamat!]