Tuesday, March 24, 2009

M/T BLACK PEARL

Ang Pusong Pinoy po ay lubusan ding nagpapasalamat, una sa Panginoon, at pangalawa sa ating Consul-General na si Ginoong Alex V. Lamadrid at kanyang mga staff, sa maluwalhating pagbabalik ng inyong mga mahal sa buhay.

Ikinararangal po namin na kami ay nakakatulong kahit paano sa mga Pinoy na nangangailangan.

Sa kay Capt. Espinosa at mga crew niya, panalangin din namin ang maluwalhating muling paglalakbay ninyo. Kayo po ay ka-Pusong Pinoy na rin namin at kapamilya.

Sa inyo pong lahat na pamilya at mga mahal sa buhay, maraming salamat din po dahil ang lahat ng mga feedbacks ninyo ay nagsisilbi din pong inspirasyon namin.


Mabuhay!