Its been almost half a year since I got back from my stint in Nigeria, a well deserved break or should I say, another chapter of my chequered career in the jansan (janitorial & sanitation) business. But then again, nothing beats the feeling of having to write again expressing my thoughts in a manner where most of my reader finds some sort of comic relief in my subjects. Well, the reality of it is that it’s kinda easier for me to write things that really don’t matter yun bang alang ka-kwenta kwentang pag usapan...tulad na lang ng problema sa parking sa amin sa Pasay. Nariyan ang dikitan ang oto mo ng sign na “ Bawal mag park dito…sa bubong nyo pwede” at yung standard na tanong na magtatagal ka ba? Aba naman, por Dios por Santo tanungin ba ko eh taga rito ko. Ang siste naka reserve pala ang lugar kaya ayun I opted to park my small vehicle which is a van sa tulay sa kanto papasok samin..God forbid, magka ondoyan na naman at maglaho na parang bula ang van.
Moral Lesson: No Garage, No Parking
No Car, No Garage
No Parking, No Car, No Garage, No Problem.
Speaking of the dreaded thypoon Ondoy, the super typhoon left us with multitude of devastation and I’m sure aside from the news via CNN most of our OFW’s were really worried-shit about their family. I myself was just waiting for the last nail of our roof to be pulled off by hurricane-like winds. Talaga naman pong nakakahilakbot, nakakabinging lakas at sipol ng hangin at walang puknat na pag ulan sabayan pa ng pagpapakawala ng tubig sa dam ng mga ungas na opisyal ng gobyerno at ang resulta, pagkasira ng halos lahat na ari-arian at pagkawala ng buhay ng ating mga kababayan. As usual, para maibsan ang trahedya nagpalabas ang gobyerno ng samut-saring loans nariyan ang calamity loan, salary loan, housing repair loan, personal loan etc. kaya tuloy nabansagan ang kapitbahay naming taga London dahil loan dito, loan duon.
Pagkatapos ng trahedyang ondoy, dumating naman si peping at dinale naman ang parte ng pangasinan Thank God, wala dun si Christine Reyes kundi andun din si Richard maunahan pa ko sa pagsagip hehehe. Seriously, inspite of these most of us thought really hard about life thinking that in a blink of an eye, it can be snuffed away from us no matter what our social status is. Aside from Richard, marami din sa atin ang dumamay sa mga nasalanta at naging hero sa kanilang mga nasagip kasabihan na nga nating mga pinoy, sa oras ng kagipitan, iba na ang may pinagsamahan tanong mo sa taga Malacanang.
This year, was also heartbreaking year to another actress Katrina..pinagpyestahan po mga kapatid! I’m sure may kopya na jan si Eddie boy ang aking magiting na kapit-kwarto at tropang trumpo (Chris, Clinton, Alex & Jhong) sa Victoria Island. Kamusta pala mga bro, madalas ka pa rin ba kayo dun? Hehehe.
Hero nga din pala si Efren kariton, I personally admire his efforts helping the children whose economic position denied them of attending a formal school set up. What really amazes me is that he was able to sustain doing the said activity for the longest time, la ba sya pamilya o syota man lang? pero balita ko ang target eh anghel sana madale nya go,go,go..Angel-frend.
Syempre pag may hero , meron din kontrabida as if were not done yet, another tragedy ensued by the cutting-off human life now known as the “Maguindanao Massacre” which left at least fifty people dead. Accused for the carnage are now being tried in our courts. May they rot in hell!
Then the happiest season of all, the birth of our Lord Jesus sya po talaga ang aking hero dahil di nya ko kailanman ipinahiya kahit minsan. Ano man pong problema ang dumating sakin at sa aking pamilya inilalapit ko po ito sa kanya at nagpapasalamat sa lakas upang harapin ang mga bagay-bagay. Minsan naiisip ko nagtatampo na sya dahil nakakalimot ako pero hindi po sya ganun that’s why whenever I have a chance I talk to Him directly parang personal na usapan kahit saan po sa sasakyan, sa kwarto, sa sala basta gusto ko sya kausapin ng mataimtim ay ginagawa ko po ito di ko na nga lang magawang umakyat ng bubong dahil yun ang gawain ko nuong bata pa at wala pang iniinom na flanax. Wala na nga talagang ibang makakaintindi sa atin kundi sya. Kaya maraming salamat Sacred Heart of Jesus, Happy Birthday din po.
At para dun sa mga di nakarating ganun pa rin naman, maya’tmayang carolling ng mga bata sala-salabat na inuman sa lahat ng daraanan mapa eskinita, kalye, kalsada, fly over, tulay, riles ng tren in short lahat ng DPWH. At least nabawas, bawasan na ang kumakanta ng walang kamatayang ‘my way” kaya di gano mataas ang krimen. I was also able to elude my inanak but not so fast I was still caught by some of them on my way to palengke.
My family and I celebrated Christmas with the traditional Noche Buena, thanking the Lord for all the blessing and keeping us safe. I’m looking forward for the coming year with greater positivity and a whole lot of “Love”
And to all OFW’s san man kayo naroon Mabuhay Kayo! Kayo ang tunay na Hero! Naway kasihan kayo ng ating Mahal na Diyos! Wag kayo mag alala, Iigi rin tayo.