Friday, August 28, 2009

FEEDBACKS FROM RETURNING OFWS

BALIK-MANGGAGAWA
Simula nuong ipadala ni CMA Dir. Ellene Sana ang sulat na ito, marami na rin ang nakauwi sa atin at nakabalik ng maayos.
Maari po nating gamitin na guidelines ang mga karanasan ng mga manggagawang nakabalik na ng maayos dito sa Nigeria.

Ellene Sana CMA Director sent you a message.
Re: travel permit"punta lang sa poea for the oec. ok na ang me mga work permits & residence cards issued by nigerian government. kausap ko si poea admin manalili last tuesday about it. hindi na 10 yrs and above ang requirements. basta me work permits/ residence cards. the ofws may want to thank poea admin manalili for her understanding and flexibility on this issue.

From: Claro Santos claro_ndgm80@yahoo.com
Sent: Tuesday, August 4, 2009 10:13:42 PM
To ALL:

Nakakuha ako ng special permit just last July 23 at tama ng ang sabi sa ibaba. Legal lahat at wala kang babayaran maliban sa OEC mo. Linawin ko lang na sakop nito ay ang mga "BALIK MANGGAGAWA" lamang. Ibig sabihin "same Employer" ang babalikan. Upang makatiyak ang POEA, titignan nila ang records mo kung nairehistro na nga before ang Company mo sa ngayon. Dito kailangan ng pruweba na ikaw nga ay empleyado ng Company na yun at inaasahan ang iyong pagbalik mula sa bakasyon.

Sa mga walang records sa POEA, hindi ka ituturing na "Balik Manggagawa" sa Nigeria kaya maaaring di ka sakop ng special permit. Ganun na din marahil kung ibang Company ang babalikan niyo. Ewan ko, lang pero di masamang subukan niyo rin.

Thanks and Best Regards,
CLARO M. SANTOS

From: Berna ahtet77@yahoo.com
Sent: Thursday, August 27, 2009 16:42:04
Gud day!
Nakuha ko na po yung OEC ko kanina. Thank God!

Mon 17th august ko pinreceive sa Office of Administrator 3rdfloor ung letter ko (its good pinpothocopy ko na yung orig letter), as told by Ma'm Jeanette, pinkita ko lang ung letter sa kanya and sabi nya pareceive nga sa taas.

Tue to thur followup bibigay naman sayo ung number kung nasan n yung letter mo with the attached supporting documents..friday holiday so by Monday 24th pinapunta ako sa Balik Mangagawa na as to fill up yung form and gagawan nila ng letter (ground floor Mam Jenny or Ruby sa middle table nsa right ung table n Mam Jeanette sa unahan pagpasok mo)..dapat dala mo yung original documents and confirmed ticket, passport mo just to check.
Then 25th tue follow up naakyat na raw, unluckily d me nkatwag ng wed so kanina thur sabi ni Maam Ruby ok n a daw approved na...as Claro said sayo yung orginal copy and have to keep it para next time you travel/vacation un n ung basis nila...and will instruct which counter ka pupdate, assess n pay...

un lng po, salamat ulit...

From: Ferdie Salgado ferdiesalgado22@yahoo.com
Date: Friday, August 28, 2009, 4:01 AM
Mga Kabayan,
Maraming Salamat sa PSBN at kay Mr. Claro,nakakuha na rin ako ng OEC kahapon.
Naitanong ko na rin kay Mam Jeanette ang hinaing ng iba nating kasama na nakatira malayo sa Maynila. Ipinaliwanag niya sa akin na sa ngayon ay mahirap magprocess ng special permit sa regional office nila dahil lahat ng signatories para sa approval ay nasa main office ng POEA at mas mainam raw na personal tayong makausap para sa mabilis na pag process ng ating request for OEC. Naitanong ko na rin kung pwede tayo kumuha ng multiple exit permit dahil malimit ang ating bakasyon, pwede raw yon sa sunod na pagkuha uli ng OEC basta attach lang din ang photo copy ng ating employment contract.

Sa mga kababayan na kukuha ng OEC, mas maganda kung susundin natin ang steps na binigay ni Ms Claro para sa mabilis na pagkuha ng OEC at dalhin na rin ang inyong employment contract. Ang papers ko ay pina recieved ko ng Tuesday afternoon sa office ni Madame Barbara, tumawag ako kinabukasan approved na agad. Magagalang po sila doon at always smiling face kaya ma feel mo yung totoong serbisyo gobyerno.

Salamat po muli!
Ferdie Salgado

Sa mga nagtatanong naman na nag babakasyon sa probinsya:
From: lawrence lawrenceenron@yahoo.com
Date: Friday, August 28, 2009, 6:00 AM
panu kami na hindi mga tag maynila?... sana may ganung services sa mga regional POEA.Wala pa bang naka try na mag request sa mga regional offices ng POEA?

Best Regards,
Lawrence

Narito naman po ang kasagutan ni Rex:

From: Rex Lautrizo [mailto:Rex_Lautrizo@Julius-berger.com]
Sent: 28 August 2009 10:21
kmsta na? actually, sa poea bacolod ako nagsubmit ng papers ko (request letter addressed to admin manalili, employment certificate, certificate from the philippine embassy abuja, at lahat ng pages ng current passport ko) thru the regional poea coordinator sa bacolod. then, inifax ng poea bacolod sa poea manila lahat ng papers ko. pinafollow-up ko na lang by phone sa poea bacolod araw-araw kung ano status ng request ko. nung august 17, tumawag iyung poea manila sa poea bacolod na gusto daw ako makausap/mainterview by phone ng poea manila. tinanong lang naman ako kung bakit ko pa gustong bumalik ng nigeria. then iyung ibang records, chinicheck yata nila sa computer/data base nila.

then, inadvise ako ng poea manila na pumunta ng manila to get the original copy ng travel permit at OEC (kasi baka hanapin daw ng immigration iyung original copy), or pwede rin daw na ipadala nila thru mail, kaya lang pabalik na nga ako ng nigeria, so pumunta na lang ako ng manila for a day para kunin iyung mga papers ko. pagpunta ko ng poea sa ortigas, for signature na lang ni admin manalili iyung papers ko. finallow-up ko lang dun sa office nia, buti naman, napirmahan agad. nagbayad lang ako ng usual processing fee sa poea (philhealth, owwa membership fee, etc..., Php 2,203.00) for the OEC. mabilis lang kasi ready na iyung mga papers ko pagpunta ko ng poea, kaya nung hapon na yun, bumalik na rin ako ng bacolod.

maayos naman pagbalik ko dito. wala naman problema sa immigration.

AT SA LAHAT PO NG TUMULONG AT DI NAWALAN NG PAG-ASA SA PAKIKIBAKA NATIN, MARAMING MARAMING SALAMAT.
AT KAY CMA DIRECTOR ELLENE SANA, MARAMING MARAMING SALAMAT!!!
MABUHAY TAYONG MGA OFWS