Wednesday, August 17, 2011

Isang Tula


Isang tula:  ALISBAYAN BOX
(courtesy of pinoy-abroad-forum)

AGOSTO - Linggo ng wika
Isang tula …isang paglalahad ng damdamin na nararanasan ng lahat ng umaalis lalo na ang mga nangingibang-bayan, higit sa lahat ang mga OFWs, ang mga walang katiyakang buhay na haharapin sa ibang lupain upang mabigyan ng mabuting kinabukasan ang mga mahal sa buhay.

Balikbayan Box – narito naman kaya ang kaganapan ng lahat ng mga minimithi sa buhay?
_____________________________________________________________________________

...haharapin ang buhay sa ibayong-dagat, nag iisa maliban sa pangarap, baon ang panalangin at pagmamahal ng mga naiwan...


(From:  Rhodora Abano
Date: Sunday, 14 August, 2011, 10:56

Watched Rizal X, one play of Dulaang UP to celebrate Rizal's 150th, this morning at the AS Theatre. I was struck by this number. Wish you could have experienced this number too...
hindi nakalagay kung sino ang sumulat e - fr om the souvenir program ng Rizal X of Dulaang UP. )


 Alisbayan Box

Isisilid  ko sa kahon ang lahat ng  alaala

Isisilid ko ang ngayon para sa bukas,

 kung mayroon man nito

 Maghihigpit ng sinturon

 Magigipit din ang pag-ibig

Mga retaso'y gugupit-gupitin at  babaunin.

 Sisikaping pagtagpi-tagpiin sa  pagbalik

Walang katiyakan

Sa aking paglisan, bibitbitin ang lahat

Kahon at maleta

Tadhanang roleta, ano ba ang ilalahad?

Papalayong ililipad, saan mang  bayang mapadpad

 Mailap ang kapalarang hinahangad

Itataya ko na sa hangin lahat ng  pangarap ko't hiling

Lahat ng dagat na kailangan kong  tawirin

Ay maaring higupin at tuluyang  lunurin ang kahon

Ng kinabukasan kong nakasilid

Walang katiyakan

Sa aking paglisan, bibitbitin ang lahat

Kahon at maleta

Tadhanang roleta,  ano ba ang  ilalahad?

Papalayong ililipad, saan mang  bayang mapadpad

Mailap ang kapalarang hinahangad

Sapaglisan kong ito, ang puso ko'y  iiwan ko

Walang katiyakan

Sa aking paglisan, bibitbitin ang lahat

Kahon at maleta

Tadhanang roleta, ano ba ang ilalahad?

Papalayong ililipad, saan mang bayang mapadpad

Mailap ang kapalarang hinahangad.


From an airport in Asia

(Footnote: visuals added)