Thursday, August 6, 2009

Procedures to Get OEC

Sa lahat ng mga OFWs, pakibasahing mabuti:

From: Claro Santos
Fw: travel ban

Gawin ang sumusunod.

Magpunta sa "Balik-Manggagawa" area hanapin si Madame Barbara (boss ni jeannette) at iprisinta and ss:
Letter of request for Special Travel Permit/OEC addressed to Admin Manalili. Indicate that you want to return to Nigeria from your vacation. Ilagay rin kung ilan taon ka nang nagwo-work sa Nigeria at anong Lugar .
Attach photocopies of cerpac ID, return visa, employment certificates or other proofs of your employment with the same company like ID, etc.
Mas mainam kung naka binder/folder ang lahat para di makawatakwatak.
Kapag okey na kay Madame Barbara, eendorse ka na kay Madame Jeannete na siyang...
magiinterbiyu sa yo
magchecheck ng records mo sa computer
at gagawa ng approval letter ni Administrator Manal
Tatlong Signatures and kelangan ng papel mo:
Si Director,
si Deputy Admin
at finally si Admin.
Depende sa availability ng tatlo aabutin ang pirmahan ng 1-3 days.
Bago mo lisanin ang lamesa ni Madame Barbara, siguruhin mo lang na na-itransfer na sa office ni Director ang mga papeles mo. Kunin din ang number ng secretary sa bawat station (director, DAdmin at Admin) para alam mo kung kanino magfollow-up.
Ang huling destinasyon ng papeles mo ay balik sa lamesa ni Ma'am Jeannete. Siya na rin ang mageendorse kung saan counter ka magbabayad ng OEC.

Huwag kalimutan paphotocopy ang Special permit for future use. Itabi ang original at yung copy lang sang sasama sa file niyo.

Thanks and Best Regards,
CLARO M. SANTOS

--- On Thu, 8/6/09, Berna wrote:
From: Berna ahtet77@yahoo.com
Fw: travel
Date: Thursday, August 6, 2009, 2:59 PM
hello poe.
kaninang umaga kasagsagan ng ulan pumunta ako ng poea, pumunta agad ako sa express lane after filling up the forms>>ang sabi ng babae >> hindi pa raw sila nagproprocess at kausapin ko daw si maam jeanette for advice which i did, then sbi nya need pa gumawa ng letter and to pass to them etc sbi ko kasi po my email na..nagsungit pa siya sa akin wala daw siya alam sa mail etc..buti nsa mood ako kung hindi nsagot ko na yung matanda kasi ngtatanong lang naman ako ng maayos then ngsisigaw sya doon at sbi ko n lng salamat ho..baling nya intay ka na lang ne...siguro natauhan din sya s pinagsasabi nya....
pwede po paki clarify yung mail kasi parang nakakasakit ng loob yung pagsalitaan ka doon hindi naman ako namamalimos, lumapit ako ng maayos at nagask lang ng advice...salamat!

From: Claro Santos
Fw: travel ban
To ALL:

Nakakuha ako ng special permit just last July 23 at tama ng ang sabi sa ibaba. Legal lahat at wala kang babayaran maliban sa OEC mo. Linawin ko lang na sakop nito ay ang mga "BALIK MANGGAGAWA" lamang. Ibig sabihin "same Employer" ang babalikan. Upang makatiyak ang POEA, titignan nila ang records mo kung nairehistro na nga before ang Company mo sa ngayon. Dito kailangan ng pruweba na ikaw nga ay empleyado ng Company na yun at inaasahan ang iyong pagbalik mula sa bakasyon.

Sa mga walang records sa POEA, hindi ka ituturing na "Balik Manggagawa" sa Nigeria kaya maaaring di ka sakop ng special permit. Ganun na din marahil kung ibang Company ang babalikan niyo. Ewan ko, lang pero di masamang subukan niyo rin.
Thanks and Best Regards,
CLARO M. SANTOS