Tuesday, October 5, 2010

Alleged arrogance, disrespectful conduct of LA-based V-Consul Charmaine Chua

   Sa lahat ng OFWs:
Naka encounter na po ba kayo ng isang nagtatrabaho sa embassy na katulad ng inilahad sa sulat na ito?
Ano po ba ang nararapat gawin sa katulad nya at sa nag-approve sa kanyang appointment?
May kailangan pa po bang gawin ang DFA na imbistigahang mabuti ang isang empleyado bago ipadala bilang kinatawan ng Pilipinas sa ibang bansa?...tulad ng sane mind in a sound body? ...or kahit yong simpleng good manners and right conduct na lang kaya?
Maraming salamat po.           


 VICE-CONSUL CHARMAINE CHUA

----- Forwarded Message ----
From: "Dcgrava@aol.com" <Dcgrava@aol.com>
To: pinoy-abroad-forum@yahoogroups.com; pinoydiaspora@yahoogroups.com
Sent: Thu, September 30, 2010 8:38:56 PM
Subject: [pinoy-abroad-forum] Fwd: Alleged arrogance, disrespectful conduct of LA-based V-Consul Chua

 

NOTE: PEX AVES IS LA BUREAU CHIEF OF PINAS NEWSPAPER. -- Dioni
From: Pex Aves <accident.immigrationattorney@yahoo.com>
To:
Sent: Tue, September 28, 2010 8:34:35 PM
Subject: DATELINE LOS ANGELES PEX A. AVES




      Paging Consul General Mary Jo Aragon

 September 23,2010 10:30 am tinawag ang inyong
 Dateliner nang kaibigan nating Editor nang Week-End
 Balita si Rhony Laigo,sabi nito pupunta daw kami sa
 Philippine Consulate at may Press Conference dahil
dumating daw yung ibang grupo nung mga viktima nang
human trafficking galing Mississippi.napag kasunduan  namin mag meet kami sa Philippine Consulate at 11:00
am,so ganun na nga naglakad ako papuntang Consulate
dahil malapit lang ang Consulate sa opisina ko.

11:15 am dumating tayo sa Consulate at nagtanong tayo
sa mga tao duon kung saan ang Press Conference tungkol
duon sa mga viktima nang human trafficking at iti nuro
tayo sa may room number 532, so tumuloy tayo sa room
532,katok ako nang katok wala namang nag bukas buti nalang after maybe 10 minutes may lumabas so pumasok
narin tayo.

Nang nasa loob na tayo wala namang tayong taong maka
usap at kung may lalapitan ka hindi ka naman papansinin
ni hindi ka man lang titingnan.

May isang kuarto hindi naman sarado lumapit tayo at
sa may pintuan nagtanong  tayo,...sabi ko Iha good morning puede bang magtanong? saan ba e-held yung Press Conference tungkol duon sa mga viktima nang human traficking?.....ang sagot nang medyo bata pa na medyo maliit na dalaga na muntik na akong bumulagta ay....(sa mataas na boses)...HINDI KO ALAM....sabi ko uli...Iha kasi dito ako itinuro na dito raw yung Press Conference....at sa mataas na boses pa rin sabi niya.....
HINDI KO ALAM AT WALA AKONG PAKI ALAM.....sa boses
na galit....kaya umurong nalang ako pero sinabi ko sa kanya hindi naman seguro dapat niyang ikaka galit ang
pagtatanong ko...at sa salitang mataas pa rin at galit...
sinabi niya...HINDI AKO GALIT..that was it.umupo nalang
ako sa tabi na medyo malapit pa rin sa kanyang kuarto
na salamin naman ang dingding kaya kita ko pa rin siya.

Ang malaking ipi -nagtataka ko yung mga empleado nang consulado na lumalapit sa kanya ay hindi naman siya galit at ang ganda ganda pa nang kanyang tawa at ngiti,
pero napansin ko yung mga papasok ang greetings sa kanya ay Good Morning MAAM.bawat taong papasok ay
Good Morning MAAM at napaka tamis nang mga ngiti niya.

May isang napa daan sa tapat ko tinanong ko kung sino
ba yang medyo bata pa at mallit lang na dalaga at naka salamin, sabi nang empleado at pabulong pa na para bang takot na takot sa kanya, ...ay yan .... siya ang
bagong Vice Consul si Charmaine Chua...

Aha kaya pala galit sa akin dahil hindi ako nag MAAM sa
kanya kasi gusto daw ni Vice Consul Charmaine Chua MAAM ang salutation sa kanya...

Ay naku po Consul Charmaine Chua isang daan ka pang
vice consul WALA AKONG PAKI ALAM SAYO  at hinding
hindi ka makaka demand nang RESPETO SA AKIN.you can
earn my respect but believe me you cannot demand respect from me.eh kung si Imelda Marcos nuong panahon nang Martial law hindi ko ni respeto ikaw pa?

Pasalamat ka pa tinawag kitang iha, si Imelda Marcos
nuon tinawag kung  P---------A sa programa ko sa radyo
tsaka seguro mas  maigi bumalik ka sa grade school at
mag aral ka nang GOOD MANNERS and RIGHT CONDUCT.
at matuto kang gumalang sa nakaka tanda sayo, ang tanda tanda ko na para sigaw sigawan mo lang,eh kung
yung pagsisigaw mo sa nakaka tanda sayo yan din ang gagawin nang mga tao sa mga parents mo? sa mga lolo at lola mo?sa mga tiyo at tiya mo?matutuwa ka kaya?

At tungkol naman sa kay Consul Aragon seguro madame
mag lecture ka dyan sa mga tauhan mo sa Consulado eh
mga walang galang sa mga pumapasok sa Consulate eh,
para bang mga obrero ang trato nila sa mga filipino, di
ba nila alam bilyon bilyon ang contribusyon nang mga
filipino dito sa California sa gobierno nang bankarotang
Pilipinas?at sila bay bingi or nag bingi bingihan lang nang
sinabi ni Pres.Noynoy Aquino na tayong mga filipino ay ang kanyang BOSS? so kayong mga nasa baba nang hagdan nang bureaucracy eh di mga BOSS din ninyo kami?G

Isa pa madame consul Aragon  seguro alam mo naman
na ang Consulado dito sa Los Angeles ay ang pinaka
bentana (window) nang ating bansang DUKHA.di ba dapat
lang magagandang ASAL ang ipapakita nang mga tauhan
mo dyan sa Consulado,kasi marami ring mga americano
kumukuha nag Visa papuntang Pilipinas dyan eh,masamang mga BASTOS na mga empleado ang maka
salamuha nila, baka SABIHIN PA NILA lahat tayong mga
filipino ay BASTOS,WALANG MODO, MAL EDUKADO.SALAMAT PO.




__._,_.___


__,_._,___

No comments:

Post a Comment