Monday, October 5, 2009

Si Ondoy at si Pepeng Pa Rin

Sa Panahon ng Kalamidad

Marami sa ating OFWs ang naapektuhan ng mga bagyong ito. Almost all of us here were affected by nature's wrath. And all of us learnt a lesson or two from our fellowmen. Here's another first hand experience written by someone who had been here in Abuja before.

by Eirene Novio via Facebook

after 1 week ito pa rin ang pinagbuhatan pasig...kadarating ko lang galing palmdale heights condominium sa sandoval ave, pinagbuhatan pasig... wala pa ring pinagbago ang tubig... ganon pa rin, ang mga tao sa lahat ng dinaanan ko naghihintay pa rin ng tulong mula sa gobyerno at individual... napakabaho na ng tubig sakit na ang inaabot ng karamihan pero mababakas mo sa kanila na sa kabila ng lahat hindi sila nawawalan ng pag-asa... babangon at babangon silang muli. marami ng nabubulok na bigas sa mga bodega sa sandoval napakarami pa naman ng nagugutom..bakit nga ba hindi humuhupa ang baha sa pasig? bakit nga ba kami binaha? marahil alam ng lahat ang dahilan. isa na rito ang pagsara ng daanan ng tubig sa floodway.. bakit?! kasi lulubog "daw" ang malakanyang.. hay... makikita na rin natin ang pag-abuso sa kalikasan.. puro basura ang paligid na iniwan ng baha, burak at putik na ang dinadaanan ng tao... nasa huli talaga ang pag-sisisi sana matuto na tayong lahat..walang mayaman mahirap sa pagkakataong ito... lahat humihingi ng tulong hindi ng awa...sa mga nakita ko at naranasan na maglakad ng 2 oras sa tubig baha na hanggang bewang iniisip ko na lang ang mga namatay, nawala ang kaartehan ko sa baha..hanggang kelan kaya na ganito sa pasig? sana may maawa naman... kailangan na yata natin si santino para tawagan si bro? o tayo kaya mismo ang tumawag kay bro.... sa pagkakataong ito gusto kong magpasalamat sa mga tumulong sa akin para makakuha ng mga damit ko sa condo (1 week na kasi ako hindi umuuwi)kay tita lai at tina ng ORO na gumawa ng effort para mabigyan ako ng schedule at moral support, kay jong baculi ung driver namin sa OROPHIL, kay edgar serdena na pinsan ng presidente ng kumpanya at kay junior na tauhan sa stockyard, na walang reklamo kahit ang tulong nila sa akin ay walang kapalit. sa truck ng NFA na ang bodega ay sa harap ng palmdale na hinatid kami at hinintay sa palmdale kasi ung truck na dala namin ay hindi makapasok sa sandoval ave. MABUHAY KAYONG LAHAT. ipagpatuloy nyo ang pagtulong ng hindi humihingi ng kapalit... tutulong ako sa abot ng aking makakaya...maraming maraming salamat sa lahat ng tumutulong sa kapwa pilipino nating nasalanta...

1 comment:

  1. in times like this we must also rely on ourselves and not on the people whom we think could help us. Oftentimes, strangers are the angels sent by God to give us hope amidst the adversity.

    ReplyDelete