Thursday, October 8, 2009

PANAWAGAN: TULONG SA MGA NASALANTA

This is a clarion call: Please help in whatever capacity we can. As of this writing, another typhoon is raging in the Philippines.
_____________________________________

7 October 2009,
Abuja FCT Ref: PPA/bpn/071009

Hello Mga Kapusong Pinoy,

PANAWAGAN : TULONG SA MGA NASALANTA NG BAHA DULOT NG
BAGYONG “ONDOY” AT “PEPENG”

Magandang araw po sa lahat. Siguro naman, alam na nating ang kalamidad na nararanasan ng ating mga kababayan lalo na sa Metro-Manila at karatig na pook, dulot ng bagyong si “ONDOY” na hanggang ngayon ang pagbaha ay hindi pa bumababa, makalipas na ng mahigit isang lingo. Maraming nawalan ng tahanan, iba’t ibang ari-arian at higit sa lahat mga mahal sa buhay.

At sumunod, ang bagyong si “Pepeng” pagkalipas ng ilang araw na sana sa Metro Manila uli ang dadaanan… salamat na lamang at lumihis ito ngunit nasapol pa rin ang Northeastern Luzon, particular ang Aparri, at nagdulot pa rin ng pinsala sa ari-arian, kabuhayan at marami rin nawalang buhay.

Mga Kapanalig, talagang masaklap ang dinanas ng ating mga kababayan na patuloy pa rin hanggang ngayon….kaya kami po ay nananawagan para humingi ng tulong, para naman maski papaano ay maipakita natin sa ating mga kababayan at ating bansa na tayo dito sa Abuja ay nakikiramay sa kanilang pagdurusa at pagpipighati. Lahat ng donation ay ipapadala thru the Philippine Embassy and will be documented accordingly.

Maari pong ibigay ang inyong tulong sa sino mang Officer ng PPA sina:

Benjie Nadado, Nonits Barraquias, John Hernandez, Grace Abrazado, Lito Nucum, Sherwin Cayabyab, Jun Torres at Ana Dador.

Maraming salamat po at inaasahan naming ang taos puso ninyong pakikiramay sa pagkakataong ito.

MABUHAY TAYONG LAHAT!!!!!!!

Ang inyong tanging lingkod,
PPA Officers (2009-2010)

PPA Officers (2009-2010)
President – B. Nadado, Vice President – N. Barraquias, Secretary – G. Abrazado,
Treasurer – P. Nucum, Auditor – J. Hernandez, P.R.O.- S. Cayabyab, P.R.O. – R. Torres Jr.
Asst Treasurer and Property Custodian – Ana Dador

No comments:

Post a Comment