Isang tula: ALISBAYAN BOX
(courtesy of pinoy-abroad-forum)
(courtesy of pinoy-abroad-forum)
AGOSTO - Linggo ng wika
Isang tula …isang paglalahad ng damdamin na nararanasan ng lahat ng umaalis lalo na ang mga nangingibang-bayan, higit sa lahat ang mga OFWs, ang mga walang katiyakang buhay na haharapin sa ibang lupain upang mabigyan ng mabuting kinabukasan ang mga mahal sa buhay.
Balikbayan Box – narito naman kaya ang kaganapan ng lahat ng mga minimithi sa buhay?
_____________________________________________________________________________
...haharapin ang buhay sa ibayong-dagat, nag iisa maliban sa pangarap, baon ang panalangin at pagmamahal ng mga naiwan... |
(From: Rhodora Abano
Date: Sunday, 14 August, 2011, 10:56
Watched Rizal X, one play of Dulaang UP to celebrate Rizal's 150th, this morning at the AS Theatre. I was struck by this number. Wish you could have experienced this number too...
hindi nakalagay kung sino ang sumulat e - fr om the souvenir program ng Rizal X of Dulaang UP. )
Alisbayan Box
Isisilid ko sa kahon ang lahat ng alaala
Isisilid ko ang ngayon para sa bukas,
kung mayroon man nito
Maghihigpit ng sinturon
Magigipit din ang pag-ibig
Mga retaso'y gugupit-gupitin at babaunin.
Sisikaping pagtagpi-tagpiin sa pagbalik
Walang katiyakan
Sa aking paglisan, bibitbitin ang lahat
Kahon at maleta
Tadhanang roleta, ano ba ang ilalahad?
Isisilid ko ang ngayon para sa bukas,
kung mayroon man nito
Maghihigpit ng sinturon
Magigipit din ang pag-ibig
Mga retaso'y gugupit-gupitin at babaunin.
Sisikaping pagtagpi-tagpiin sa pagbalik
Walang katiyakan
Sa aking paglisan, bibitbitin ang lahat
Kahon at maleta
Tadhanang roleta, ano ba ang ilalahad?
Papalayong ililipad, saan mang bayang mapadpad
Mailap ang kapalarang hinahangad
Mailap ang kapalarang hinahangad
Itataya ko na sa hangin lahat ng pangarap ko't hiling
Lahat ng dagat na kailangan kong tawirin
Ay maaring higupin at tuluyang lunurin ang kahon
Ng kinabukasan kong nakasilid
Walang katiyakan
Sa aking paglisan, bibitbitin ang lahat
Sa aking paglisan, bibitbitin ang lahat
Kahon at maleta
Tadhanang roleta, ano ba ang ilalahad?
Papalayong ililipad, saan mang bayang mapadpad
Mailap ang kapalarang hinahangad
Sapaglisan kong ito, ang puso ko'y iiwan ko
Walang katiyakan
Sa aking paglisan, bibitbitin ang lahat
Kahon at maleta
Tadhanang roleta, ano ba ang ilalahad?
Papalayong ililipad, saan mang bayang mapadpad
Mailap ang kapalarang hinahangad.
From an airport in Asia |
(Footnote: visuals added)
No comments:
Post a Comment