From: fred_borbon1956@yahoo.com
[http://www.gmanews.tv/]
PINOY ABROAD
Long-staying OFWs in Nigeria to be granted special travel permits
04/02/2009 | 01:48 PM
Filipino workers who have been working for more than 10 years in Lagos, Nigeria specifically may be issued special travel permits*****-bakit naman po ang napili pang lugar sa sinabi ni Kabayan Noli ay Lagos pa, di ba niya alam na ang embahada natin ay andoroon po sa Abuja, pwede naman niyang sabihin na Abuja at Lagos para walang favoritism, talagang si Kabayan eh, nahahalata kita nyan ahh, o baka akalain nila sa Malakanyang na ang Abuja ay kuta ng din ng mga Abu Sayaff, ginawa pang ten years, utin-gnan ninyo, bakit di maging proposal ay 3-5 years ang regular pass, 6-7 years ay special pass at 8-10 years ay very special pass naman, ganyan dapat ang gawing panukala para may pag pipilian naman, hindi na nag isip talaga, he he he
only those employed in safe areas. ***alin bagang safe areas ang tinutukoy nila, at sinong maysabi na safe nga, bakit, nakadating na ba sila dito sa sinasabi nilang safe areas na iyan, eh nanulad na naman ang nag advised na ito sa lumang report. Eh kung iyang mga nurses na nakidnap mismo sa Pinas, isang batalyon ng sundalo ay wala pang magawa, lagi nang we will not tolerate kidnapping, dyan kayo magaling,,,, pero ang tinotolerate ninyo hanggang sa ngayon ay ang lagayan sa Immigration na napakadali naman ng solusyon, abay mahiya naman kayo, eto ang tunay scenaryo at huwag ng mag bulag bulagan pa, papaano ba iyan Ka Indo, di na natuto eh...
Their problem before was that once they go home, they cannot go back to Nigeria because of the ban****bopols talaga, kaya hindi makabalik sa Nigeria sila ay sa tunay na kadahilanang tapos na po ang kanilang mga kontrata, eh ano pang babalikan ay finish project na, sino ba iyang hindi makabali balik na iyan at magarote na, ang kailangan lang niya ay panlagay sa Eh May Grasya, kung wala kang kilalang kontak, bibigyan kita ng isa sa aking 5 kakilala, sa Terminal 1,2&3 pa, wag ka lang tatakbo paloob at permis lang, baka type mo pa nga sa diplomat ka dumaan para siga ang dating, ha ha ha
because of “real dangers and threats" to the safety of OFWs.****saan bagang bansa walang real dangers, ilang Pinoy po baga ang nakakulong ngayon sa piitan sa buong sulok ng Nigeria kumpara sa kulungan ng bansa nilang sinasabi, ikumpara po natin iyan at kung anong emergency procedure at actions ang natatanggap dito ng mga nangangailangan ng tulong bukod sa tulong ng Embassy natin at mga pribadong samahan, pakilasa ko po naman ay di sila napapabayaan dito.
“extremely difficult to control the movement of OFWs" bound for other parts of Nigeria but would still need to pass by the dangerous area. ****talaga naman din, hindi po Okada, tricycle o sa motorbike sumasakay ang mag Pinoy dito sa pag bibiyahe, lahat po ng focal point dito ay paliparan ng Lagos ang babaan, kung sa Lagos to Port Harcourt-eroplano sasakyan mo; kapag Lagos to Abuja-eroplano pa din;Lagos to Warri-eroplano pa din, tapos airport to home base naman po ay may naka abiba na security de Mopol sa harap at likudan.
Father Billy, isama mo na uli sa sermon ang bagong kalokohan na pahayag nilang ito, kung biro man, kapalpakan pa ding masasabi at pag wawalang bahala sa tunay na saloobin at damdamin ng mga OFW sa Nigeria, hindi nga nila makikita ang tunay na solusyon kung hihintayin palagi nila kung alin baga ang uunahin na pag kaka kwartahan sa alinmang mga bansang nakasalang.
Gumagalang,
Fred Borbon
From: Roy Rivas
tanong lang po, pag more than 10 years ka na ba sa nigeria hindi ka na maki-kidnap? nagtataka lang kasi ako bakit selective ang bibigyan ng travel permit kung ang concern nila ay ang security ng pinoy dito sa nigeria.
From: Vangie Novio
Date: Thursday, April 2, 2009, 8:54 AM
Pagod na rin ako na mag analyze, eh kanina na nga
lang,pupugutan pa daw ng ulo ang mga nakidnap (RED CROSS) sa
atin, at ipinagbawal na ata ng Canadian government ang
pag travel sa southern Philippines
From: "chona bollos"
Dito din sa Afghanistan. Samantalang bomba dito at doon din naman sa Pakistan pero nandun ang embassy kaya walang ban. Kakatawa din naman.
Hay naku si Kabayaran Noli de Cashtro, di talaga yan maintindihan kasi di nga din sya nakaintindi eh. Yang selective permit na yan, subject to magkano na naman yan. Haayyyyyy!!!!!
No comments:
Post a Comment